Monday, September 3, 2007

Ang Kinabukasan Natin - Part 2

Sa di-kalayuang street, maririnig mo ang wang-wang ng isang ambulansya.
Pinuntahan ko kung ano na ang nangyayari. Madami ng taong nagsisikumpulan sa gulo.
"Manong, ano meron? bakit ang daming tao?" tinanong ko yung manong mukhang bumbay, sumagot agad ang manong "May nasagasaan daw ng kotse". Napaisip ako sa sagot ng manong, "Bakit ganon? di ba wala ng kotse o ano mang pedeng gamiting pangtransportasyon ngayon?, dahil binenta na ni PacMan". Grabe ang daming tao, siksikan sa buong street, laking gulat ko si PacMan pala ang nasagasaan!.

Malala ang mga sugat na natamo ni PacMan, dinala siya sa Long Life Hospital kung saan mahigit 1000 katao ang namamatay sa isang taon. 50-50 ang buhay ni PacMan at umonti ang dugo niya dahil sa aksidente. 10 araw na ang nakakalipas, masama pa din ang kalagayan niya, sabi ng mga doktor may taning na ang buhay ni PakMan. Yung pang 10 na araw biglang nagkamalay si PakMan at may sinabi siya, "Pe... Ped......" hindi natuloy ang sinabi ni PakMan, sa kumabilang buhay na siya nung oras na 'yon.

Madami nagawa si PacMan noon subalit may mga katangahan na nagawa siya kaya nagkagulo-gulo ang mundo. Nung ililibing na si PakMan sa Eloh Ssa Gnikcuf Cementery, biglang dumating si...

Itutuloy...

Sunday, September 2, 2007

Ang Kinabukasan Natin - Part 1

Naglalakad ako papuntang Mall of Asia galing sa SM North, "Shet naman nakakapagod" bulong ko sa isip habang naglalakad, taong 2050 na at may bagong dagdag sa kalendaryo na buwan at araw, at hindi na 30 na araw sa isang buwan 50 na. Manipakber ang bagong dagdag na buwan sa kalendaryo at sa araw naman ay Pacmonday, lalong tumatagal ang araw dahil sa pag iba ng kalendaryo.

PacMan Mansion
Halos isang taon nang under construction ang ipinapagawang mansion ni Manny Pacquiao sa General Santos City.

Mayroong 2,500 square meters ang laki ng lote at 800 square meters ang bahay. May pitong kwarto, walong banyo ang bahay. Bukod dito ay mayroon din itong gym, recording studio, swimming pool, sauna, library, prayer room, entertainment center, theater room, guest room at den.

Ang hardin sa harap, may fountain. Ang hardin sa likod, may gazeebo.
Halos lahat ng materyales ay imported. Ang mga modular cabinet galing Germany at ang tiles sa bubong ay galing Japan. Ang sahig sa kusina ay granite na imported din.
Malaki ang kinalaman ng mag-asawang Pacquiao sa disenyo ng bahay at may isang espesyal na bilin si Manny.

Kailangan daw matapos ang bahay bago ang Disyembre 17, ang kanyang kaarawan.May kanya-kanyang kwarto ang tatlong anak nina Manny at Jinky.Ang kay Jimuel, yellow green at blue ang kulay. Kay Michael pareho ang kulay at may balcony na nakaharap sa fountain.Espesyal ang kwarto ng kasisilang na si baby Mary Divine Grace. Kulay pink ang mga pader, red ang tiles ng banyo na galing pang Spain.Ang master bedroom ay talagang pinlano. Mayroon itong receving area, walk-in closet at ang banyo may malaking jacuzzi.Kung titingnan ay mistulang palasyo nga ang bahay ng mga Pacquiao na isang dream house na natupad dahil sa kita ni Manny sa boxing.Kapag nasa GenSan si Manny, madalas ang pagbisita niya sa construction.Pero ngayon, todo-ensayo si Manny sa Amerika para kay Erik Morales.

Nung taong 2010 may laban sila PacMan at Morales, sa unang round napatumba ni PacMan si Morarel ng 50 beses, nagulat si George W. Bush Jr. sa mga naganap na pangyayari. Nanalo si PacMan sa laban pinatumba niya ang kalaban sa loob ng 50 segundo lamang, napamura si Bush Jr. ng "puta" sa gulat niya. Kinausap ni Bush Jr. si PacMan at kinongrats sa pagkapanalo niya, Balak ni Bush Jr. na gawing international hero at presidente sa buong mundo, nagulat si PacMan sa mga narinig niya.

Pagkalipas ng panahon, taong 2016 na, nagno-deal si PacMan sa offer ni banker sa Deal or No Deal, 499,999,999 Pesos, binuksan na ang briefcase number 50. Naging host si James Jr. sa programang Deal or No Deal sa ABS-CBN sa idad na 10 taong gulang. Nasuntok niya si James Jr. sa sobrang tuwa, dahil ang laman ng briefcase niya ay 50M Pesos.

Umuwi si PacMan sa kanyang mansyon sa General Santos City. Ito ang pinakamalaki sa GenSan. 50 Milyong Piso ang nauwi ni PacMan sa Deal or No Deal, mahigit 200 bilyong piso na ang naiipon ni PacMan sa kanyang banko, taong 2017 na ito. Pagdating ng taong 2020, ginawa na ni Bush Jr. ang kanyang gagawin sa kalendaryo, ang madagdagan ng araw at taon. nadagdag ang Pacmonday at Manipakber sa kalendaro. Nung 2022 inilaad ni Bush Jr. na si PacMan na ang International Hero at President sa buong Mundo, medyo okay ang sistema at walang kurapsyon sa taong 2022 - 2030. Biglang nagbago ang ikot ng mundo, petsa Manipakber 50, 2031 na holdap ang World Bank mahigit 50 gazilyon(ginawa ko lang ito dahil mading 0) ang nawala.

Biglang nagkagulo sa mundo, hindi na makalabas ang mga housemate ni kuya sa Pinoy Big Brother House, dahil nagkakagulo na ang mundo. Taong 2035 tumigil ang gulo, 4 na taon na gera sa ibat ibang lupalok ng mundo, mahigit 47 na World War ang naganap sa 4 na taon lamang, kaya ang huling World War ay ang World War 50.

Taong 2049, Sa sobrang hirap ng mundo miski sinkong butas wala sila, pero meron isang junk shop na merong pera na may kakayanan na mabili ang lahat ng bagay sa mundo. Binenta ni PacMan ang lahat ng pede gawing transportasyon, lahat ito ay binenta sa Junk Shop ni Pedro dahil wala ng pera si PacMan, pero tinira ni PacMan ang MRT.

Ngayong taong 2050 binenta ni PacMan ang MRT kaya ako ay naglalakad ngayon papuntang Mall of Asia galing sa SM North.

Itutuloy...